Dear anak,
alam mo ngayong mother's day inggit na inggit ako sa mga anak na bumabati sa kanilang mga nanay. Hindi ko alam ano at kung paano nangyari na biglang lumayo loob mo sa akin. Dati pa naman akong mahigpit sayo saka strikto sa kagustuhan kong maging magaling kang estudyante. Pero dati ganun pa man mas malapit ka pa rin sa akin kesa kay papa mo dati. Ni hindi ka pa nga makatulog sa kwarto nila lola pag hinihiram ka umiiyak ka kaya kinakatok kami nila lola at sinusuli ka sa amin kasi ako ang gusto mong katabi. Mula umalis si papa unti unti kang nagbago.. Siguro dahil nung nandito si papa di mo nararamdaman ang kaibahan natin sa ibang pamilya. Nung umalis si papa dun na tayo nagka problema sino aattend ng parents orientation, sino sasama sayo sa family day sino magsasabit ng medalya, sino maghahatid sa iyo sa school. Palagi tayong Naghahanap ng available na pwedebg gumawa kasi di naman ako pwede. Hindi ko alam kung yun nga ang dahilan ng unti unting paglayo ng loob mo sa akin. Or may nanukso ba sayo na ganito ang itsura ni mama? Nahihiya ka bang disabled si mama?.. Sorry anak kung di ako katulad ng ibang mga nanay na kaya kang pag silbihan.. Ipagluto sa umaga ihatid sa eskwela ipaglaba ipamalantsa. Minsan naman sinusubukan ko kaso kailangan ko pa rin ng assistance mo kasi hindi ko kaya mag isa e.. Saka napaka hirap sa akin kung alam mo lang. Hindi ko man kayang gawin ang ginagawa ng ibang mga nanay.. Pero sa nararamdaman anak pareho lang ako ng karamihan. Mas inuuna nga kita palagi kesa sa amin ni papa. Hindi man ako ang naghirap sa mga ibinibigay ko sayo dahil kay papa namang pera ang ginagamit natin. Ako ang pinag dedesisyon nya sa perang yun. Napaka hirap sa akin ang mag budget kasi gusto namin ibigay sayo lahat ni papa. Huwag ka lang mahuli sa ibang kabataan. Ganun ka namin kamahal. Pero nalulungkot ako lumalaki kang ang lamig lamig sa amin lalo na sa akin. Dahil ba nasasaktan kita? Alam mo naman kung paano ka makipag usap sa akin sa palagay mo ba hindi mo ako nasasaktan? Tapos pag tinatanong kita kung mahal mo ba ako hindi ka sumasagot hanggang sa bandang huli sasagutin mo ng hindi? Tuwing mother's day anak palagi mo ako pinapa iyak kasi ipinaparamdam mo sa akin na wala akong anak. Huwag mo sana anak maramdaman itong nararamdaman ko ngayon na pinaparamdam mo sa akin kasi sobrang sakit anak. Ganun pa man kahit gaano pa ako mag tampo sayo.. Mahal na mahal pa rin kita kasi anak kita. Sana duMating ang Panahon na ma realize mo lahat ng ito. Sana anak buhay pa ako sa araw na marealized mo yun para maramdaman ko naman paano mahalin ng isang anak..
Nagmamahal
Disabled mama
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento