Sa isang malayong isla, may isang ginoo na kintatakutan ng lahat dahil sa kanyang masamang ugali. Madami din ang galit sa kanya dahil sa kanyang pagiging madaya at makasarili.
Isang araw habang nangongolekta ng lagay sa mga mangingisda kapalit ng pangako na hindi nya gagawan ng kalokohan ang mga lambat at bangka ng mga ito ay nakita nya ang isang bagong salta na binibini. Agad syang nabighani sa angkin nitong ganda.
Nang isang araw na magkaroon sya ng pagkakataon na lapitan ito agad nya itong kinausap "Magandang araw magandang binibini?" ngunit di sya pinansin nito. Dahil tinamaan sya dito,pinilit nya na magpapansin. "Binibini sandali lamang gusto ko lang makipagkaibigan ako nga pala si Mando" Pagkadinig ng babae sa kanyang pangalan ay tumigil ito at sinabi "ah.. ikaw pala si Mando. Kilala kita. marami ako narirnig tungkol sayo!".Dahil sa narinig ay naisipan ni mando magyabang. "ahem..ahem... kilala nga ako dito dahil sa aking kakisigan at pagiging malakas." ang sabi nito sa dalaga habang pinapakita nya ang matitipuno nyang muscle sa braso. "tama ka! at ang kakisigan at pagiging malakas mo ang sya mong ginagamit sa panlalamang ng tao." ang sabi ni Liana ang pangalan ng babaeng bumighani sa kanya. "tignan mo tuloy ang itsura mo mukha kang kontrabida, napaka pangit mong tignan kasing pangit ng iyong ugali!" dagdag pa nito.
Natigilan si Mando sa kanyang narinig. hindi nya nagawang magalit dito bagkus ninais nyang baguhin ang pagkakakilala sa kanya ng binibini. Sapagkat sa hindi maintidihang dahilan minahal na nya agad ito sa unang pagkakakita pa lamang nya dito.
Naisipan nya umalis sa isla at dumayo sa kapitbahay na isla para isipin ng mga tao doon sa islang kanyang pinagmulan na sya ay umalis na at hindi na kailanman babalik. Naisipan nya bumili ng maskara na magtatago ng kanyang mukha para sya ay makalapit at magkaroon ng pagkakataon na makaipagkaibigan sa binibining bumihag sa kanyang puso,
Bumalik si Mando sa isla ng naka suot ng maskara. Naging matagumpay naman ang kanyang plano sa dahilang walang sino man ang nakakilala sa kanya.Sinubukan nya maging matulungin at mabuting tao para makuha ang atensyon ng binibining kanyang minamahal.
Sa kanyang pagtulong tulong sa kanyang kapwa marami syang pasasalamat at pagmamahal na nakuha sa mga taong dati na nyang nakasama na di man lang kahit kailan naisip na sya ay si Mando na kanilang kinamumuhian.
Lalo pa syang minahal ng mga tao ng minsang may tinulungan syang mangingisda na muntik ng malunod. Sa dahilang inabutan ito ng malakas na bagyo sa dagat at naitumba ng malakas na alon ang kanyang bangka.Lahat ng naroon sa isla ay naging bayani ang tingin sa kanya. "maraming salamat ginoo, ilang buwan ka na rin nandito pero di mo pa sinasabi ang iyong pangalan at bakit ka ba nagkukubli sa iyong maskara?". "ako po si andoy" mahinahon na tugon ni mando upang di makilala ang kanyang boses. " pangit po ang aking mukha kaya kailangan ko po itong itago sa maskarang ito para hindi nyo po ako katakutan."ani pa niya. Biglang may pamilyar na tinig syang narinig na nagsalita. "Andoy, kung totoo mang pangit ang iyong mukha, iyan ay balewala dahil sa iyong kabutihan. sa tinagaltagal mo na rin dito na tumutulong sa mga taong taga isla ng walang hnihintay na kapalit at palagi kang handa at malugod na tumutulong sa nangangailangan ay mas lalo ka pang nakakahigit sa kahit kaninong may magandang mukha". Nang lingunin ni Mando kung saan nagmula ang tinig, Hindi nga siya nagkamali sa kanyang naramdaman. Galing nga ang tinig sa binibining bumihag ng kanyang puso."Salamat, ngunit sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob para tanggalin ang maskarang ito. Magiipon muna ako ng lakas ng loob bago ko sa inyo ipakita ang aking totoong mukha" ang tugon ni Mando. At iginalang naman ng mga taga isla ang kanyang desisyon.
Simula noon ay naging magkaibigan sila ni Liana at naging malapit sa isa't isa. At dahil sa kanyang pagpapanggap nakasanayan na nya ang maging mabait.hindi nya namamalayan ay nagiging natural na sa kanya ang pagiging mabuti. At mas masarap sa kanyang pakiramdam ang kanyang bagong pagkatao sa likod ng maskara.
Sinubukan nya magtapat kay Liana sa kanyang nararamdaman.Dahil wari niya ay di na nya kayang itago ang kanyang nararamdaman. "Liana, ako ay may kasalanan sayo." ang sambit ni Mando. "ano yun andoy?" tanong ni liana na nagtataka sapagkat wala naman syang maalala na masamang ginawa nito sa kanya o kahit kaninong malapit sa kanya. "mahal kita liana, una pa lang kitang nakita. Ngunit wala akong lakas ng loob para sabihin ito kaya kita kinaibigan. sa pakiramdam ko ay dinaya kita sapagkat hindi naman talaga kaibigan lang ang gusto ko sayo, kung di gusto kita maging kasintahan." Napangiti ang dalaga kay Mando. "Andoy, kung alam mo lang ako ay napamahal na rin sayo. Hindi ko naman ito magawag sabihin sayo at magmumukha akong katawa tawa. Kaya inilihim ko rin ito sayo. Kung kasalanan pala ang nararamdaman mo ay may kasalanan din ako sayo" ang sagot ni Liana na may halong biro sa hulihan para maalis ang tensyon na namagitan sa kanilang dalawa.
Ngunit hindi pa rin nawala ang kaba na nararamdaman ni Mando, sa kanyang narinig sa binibini dapat sana syang mag saya. Ngunit takot at kaba ang kanyang naramdaman. "totoo bang mahal mo ako Liana? kahit hindi mo pa nakikita ang aking mukha?" tanong ni Mando. "Oo Andoy, mahal kita. wala akong pakialam kung ano man ang itsura ng mukhang nagkukubli sa maskarang iyan. Ang mahalaga sa akin ay ang kagandahan ng iyong kalooban at ang pagmamahal na ipinadama mo sa akin.". "Salamat Liana, pero para maging patas ako sa iyo. Bukas sa Pagpupulong ay huhubarin ko na ang maskarang ito sa harap mo at sa lahat ng tao dito sa isla. at saka sabihin mong muli mahal mo talaga ako sa kabila ng iyong masasaksihan.
Pag uwi ng bahay ay umiiyak na nagdadasal si Mando. "Panginoon, sana naman ay matanggap ako ni Liana at ng lahat ng taga isla. huwag sana nila akong kamuhian" ang humahagulgol nyang bulong. Natatakot sya sa kalalabasan ng kanyang desisyon. Gusto na nyang kalimutan ang dating Mando na kinamumuhian ng lahat, dahilan din kung kaya ni minsan ay hindi na sya humarap sa salamin kahit hubarin nya pa ang maskara sa kanyang pagtulog mula ng gamitin nya iyon sa kanyang pagtatago ng totoo nyang pagkatao. Ayaw man nyang maalala ang Mando na kinasusuklaman ng lahat kailangan nya maging matapang na harapin ano man ang isumbat sa kanya. Mas gusto man nya mabuhay sa katauhan ng Andoy na mahal ng lahat.
Kinaumagahan, inimbita nya ang lahat ng mga taga isla na magpulong pulong dahil may gusto syang i anunsyo sa lahat. Dahil mahal si Mando sa katauhan ni Andoy ng mga taga isla ay pinaunlakan sya ng lahat. Lahat ng mga taga isla ay dumalo sa pagpupulong. "Para saan ang pagpupulong na ito Andoy? sana nama ay hindi ito pagpupulong ng pamamaalam dahil malulungkot kaming lahat" sabi ng Tatay ni Liana. "oo nga!" ang sang ayon na sabi ng lahat.
"May gusto po sana ako ipagtapat sa inyong lahat. Lalo na po sa inyo Mang Julio. Gusto ko po malaman nyong lahat na kagabi ay umamin po ako ng aking nararamdaman kay Liana" "wohoo" kantyawan na sigawan ng lahat. "mukhang hihingiin na ni andoy ang kamay ni liana kay mang julio" ang hula ng iba. "Pero hindi lamang po iyan ang dahilan ng pagpupulong pong ito" ang wika ni andoy na nagpatahimik sa lahat, Sinabi po ni Liana na ako ay mahal nya rin at para po maging patas sa kanya bago ko po sya maging opisyal na kasintahan ay gusto ko po makita nya ang tunay kong mukha, kasabay po ninyong lahat, Dahil gusto ko po magpakatotoo sa harap po nya at sa harap po ninyong lahat dahil kayo pong lahat ay hindi na iba sa akin."
Ang salitang iyon ni Mando ay nagbigay ng katahimikan. "Ang Andoy po ay ginawa ko lamang na palayaw ng aking tunay na pangalan. Ako po si Mando na inyong kinamumuhian"sabay patak ng luha ng kanyang mga mata habang dahan dahang inaalis ang maskara sa kanyang mukha.
Nagulat ang lahat sa nasaksihan. "Ngayon Liana kaya mo pa bang sabihing mahal mo din ako? Pagpasensyahan nyo na po ako sa aking pagpapanggap. Nagpakabuti po ako dahil mahal ko si Liana. at handa ko baguhin ang aking sarili para sa kanya."
Hinanda nya ang kanyang sarili sa masasakit na salita na maari nyang marinig sa mga taong nandoon.Ngunit wala syang narinig sa mga ito kungdi isang nakakabinging katahimikan lamang. At lahat ay nakatingin lang sa kanya na parang naghihintay ng mga susunod lang nyang sasabihin. Wala ni isa sa mga nandoon ang namuhi sa kanya. Dahil sa mga kabutihan na pinakita nya sa mga ito nung sya ay nagtatago po sa kanyang maskara.
Lumapit si Liana sa kanya na may dalang salamin.Lumakas ang tibok na kanyang puso sa sobrang kaba. Lalo pa syang nabingi sa bawat dagundong ng kanyang puso dahil sa sobrang katahimikan. Hindi sya handa sa maririnig na salita mula sa binibini. "Andoy o Mando ka man, mahal pa rin kita." Ang sabi ni Liana kay Mando habang papalapit sya dito. Napahagulgol si Mando sa narinig, hindi nya malaman kung dahil ba sa sobrang kaba o dahil ba sa sobrang saya. Ang alam nya lang gusto nya ang kanyang narinig. 'huwag mo sabihin Mando na ikaw ay nagpanggap. sapagkat ang katotohanan, ikaw ay nagbago." ang patuloy ni Liana na sinang ayunan ng lahat. "Tama Mando mahal ka namin" sigaw ng isang mangingisda na muntik na noong malunod na kanyang tinulungan. "Tama" segunda ng lahat.
"Patunay Mando na ikaw ay nagbago at hindi nag panggap. tignan mo ang iyong sarili sa salaming ito" ang sabi ni Liana habang inaabot ang salamin kay Mando. Pagkakita ni Mando sa kanyang mukha ay nagulat sya sapagkat tila nag iba ang kanyang mukha sa dati nyang Mukha nung sya pa ay mayabang at mapanlamang.Maamo na ito, ibang iba sa dati nyang itsura na mukhang mabagsik at barumbado. "Isinapuso mo ang pagbabago Mando... at dahil dyan ay lalo mo akong napahanga." Niyakap ni Liana si Mando para ito ay tumahan na. At nagpalakpakan ang lahat, Mabilis ang mga pangyayari at di nagtagal Sila ay ikinasal at nabuhay na masaya.
Pinatutunayan ng kwentong ito na sadyang makapangyarihan ang pagmamahal. Kaya nitong mabago ang kahit na sino. At kung isasapuso natin ang pagbabago pati awra natin ay kayang baguhin nito. At lahat ng mali ay kayang maitama at kahit kailan ay hindi mahuhuli ang lahat sa mga taong gustong magbago.